Tomorrow is my “Bonggang-bonggang” birthday, and I’ve noticed that something always comes up sa week ng birthday ko. Ewan ko, pero lagi akong kinakatok ni Idol sa taas tuwing papalapit na birthday ko.
Just like yesterday, and for the nth time, He used my parents (and constantly using them) to remind me of my existence and my purpose why I’m still here. I think ganon naman talaga eh, He uses people as an alarm clock to wake us up, pag medyo nahihimbing na tulog natin. Actually, tulad ng sinabi ko, this was not the first time. Marami na kong ganitong encounters. I think, just last month my manager was the one who spoke to me. In fact, even some of my friends. Na aminin ko man o hindi eh feeling ko mas alam nila ang tamang gawin sa buhay ko kesa sakin. Bongga diva?
The previous year was a blast, I must admit. Marami akong naexperience na hindi ko pa naexperience before. That includes my adventures in different places (parang ang dami eh no!), met new and trust-worthy friends (discovered a long lost friend Ceej r u there?), learned more about love (owws?), nagpakalbo, tumaba, nagkasakit, naging “extreme” smoker, mas um-OA, naging mas sensitive, nasakatan, natuwa, naiyak, naging baliw sa maraming bagay, and the list goes on and on.
The funny thing was, amidst all of these, I didn’t feel any difference about myself. Oo, minsan nararamdaman kong medyo mas mahina ako compared a year ago, maybe because of my vices na rin. Pero emotionally speaking, walang pinagbago. Yung mga problema ko nong 22 pa ako, naeexperience ko pa rin. Ung mga bagay na kinatatakutan ko eh, nandyan parin. Ung weakness ko, weakness ko pa rin, hindi ko pa rin sya naoovercome. Wala masyadong pinagbago, as usual nakakafrustrate pa rin.
“Oh simple thing where have you gone
I'm getting old and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me in
I'm getting tired and I need somewhere to begin”
~Somewhere Only we know by Keane~
Minsan naisip ko, totoo sabi nila. Pag tumatanda ka, mas nagiging complicated ang buhay. At first I found this really stupid. I mean, pano magiging complicated buhay pag tumanda ka eh mas nagiging mature ka nga dapat diba? Mas alam mo na ang gagawin. Mas alam mo na ang tama at mali, mas sure ka na dapat sa mga actions mo. Weird thing is, the more na tinanggi ko sa sarili ko tong konseptong to, mas lalong syang naging makatotohanan para sakin.. Siguro nga merong mali sakin. I bet, kabet!
I know, marami pa akong kelangan e-improve sa sarili ko. And I’m talking about a drastic make-over sa sarili ko, T*ng i*a! Parang mahihirapan ako non ha.. Sa dinami dami ba nman na dapat baguhin, bakit sarili ko pa? Parang sinabi ko naming magpaka “straight” ako! Paksh*t! Sana kayanin ko. Sana magawa ko ng madali. Sobrang kelangan na eh. Sana.
Ngayon hayaan nyo akong itodo at magpaka-celebrity naman sa puntong itu. Gusto kong mag tenk you sa inyo.
Unang-una, kay IDOL. Laki na ng utang ko Sanyo (mas malaki pa sa utang ko sa provident). Kung di dahil Sayo, wala ako ngayon dito. Maraming salamat sa mga regalo hindi ko man sya nahahawakan, damang dama ko nman sya. Dyan lng Kayo parati ha. Walang iwanan hanggang huli.
Kay mujer (mama), pujer (papa) at sa 2 kong sisterette. Alam ko marami tayong hindi napagkakasunduan sa maraming bagay. Super dami ko ring pagkukulang sanyo, pero ganon pa man salamat at hindi kayo nagsasawa sakin. Hindi kayo nagsasawang patawarin ako sa lahat ng ginawa kong kabalastugan. Ma, sorry po sa katigasan ng ulo ko (feeling ko minsan mana lng talaga ako sanyo. Peace!) Pa, sorry kasi hanggang ngayon nagyoyosi pa rin ako. Hayaan nyo babawi na lng ako. Try ko ng linisin ung mga electric fans once a week. Kay Lady, cencia na tol kung wala akong regalo sayo nong debut mo. Yaan mo sa xmas mag divisoria ulit tayo! Kay marla, alam ko mahhirap talaga ang buhay hayskul. Konting tiis lng sasarap rin yan. Pustahan tayo after 4 years, papangarapin mo n asana nasa hayskul ka na lng habang buhay. Salamat at mahal na mahal ko kayo! Iisa lng kayo at hinding hindi ko kayo ipagpapalit!
At syempre sa mga kaibigan ko. Simulan natin kay bessieh. (lolz)
Launce kung maisipan mong magkaroon ng kapatid, wag kang mag-atubiling panagarapin na sana ako na lng un. Alam kong sobarang dami mong sacrifices sakin (ako rin nman sayo, kahit na papano) maraming salamat sa lhat. Sanyo ni mark, ampunin nyo ako ha, pag naging palaboy na ako in the future. Mahal ko kayong dalawa.
Kay Joy na bonggang-bongga kasi nasa UK na with his BF na si Charles. Maraming salamat. Simula’t sapul nong hayskukl nandyan ka na para sakin. Nong mga panahon na nag-identity crisis ako at ang buong Siena ay iniisip na crush kita (Haller?!) pinatnubayan mo pa rin ako. Hindi mo ako pinabayaan. Sana ngayong nasa unang hakbang ka na ng pagyaman mo, sana wag mo parin ako kalimutan. Mahal kita. At miss na kita sobra. :’c
Kay Mitch na mas kilala sa tawag na “Reyes”. Ny*ta ka! Ginawa mong Cubao ang Singapore! Kelan ba balik mo? Maraming salamat rin sa lahat! Sa Pag share mo sa pamilya mo. Sa pagshare ng bahay mo, nong lagalag ako. Sa inuman at sa walang humpay na tawanan at kwentuhan. Love yah gurl!
Sa Team Extreme. Ang dami nyo eh., in general na lng. Maraming salamat. Hindi mabubuo ang makulay kong hayskul life kung wala kayo! Love you guys!!!
Sa mga tiga CTI nman:
Giselle, my sister and my friend thanks for everything! You showed me the real value of friendship and taught to be strong. Because of that, I owe you a yosi hehehe. Salamat sa mga moments natin sa “The Basement” Marami kang nasabi at naturo sakin at kulang to para magpasalamat sayo. Mahal kita sobra. Cencia na wala me gift ngayong bday mo! Hehehehehe
Sa mga Madam ng buhay ko, si Aileen at si Zandra. My partners in Crime! Di ko alam kung pano gugulong ang isang araw ko dito sa QAA ng wala kayo. Pag wala ang isa sanyo parang kulang ako.
Ai, thanks sa lahat. Pcencia na rin kung madalas akong ngbuburaot sayo. Sana wag ka sanang magsawa sakin. You are my “nawawalang” ATE. Alam mo yan!
Kay Zanding, sa lahat ng pera, yosi, pagkain, at pangbubuska mo sakin. Salamat na appreciate ko. Dahil sayo marami akong natutunan.
Mahal na mahal ko kayong dalwa. Promise!
Kay Ms Hani, hay… wala na akong masabi kundi salamat! Kung malilipat ako ng ibang kumpanya, sana maeron paring “bubbly” na Ms Hani akong makikilala. Salamat sa lahat ng advices. Dadalin ko po lahat un kahit san ako mapunta (Sana nga lang maapply ko sya agad…)
Kay Ceejay, Bajoyster at Jordin Sparks look-a-like (isang malaking babae lng yan) ang karamay ko sa mga kainartihan at kagagahan ko. Tatanong ko pa lng alam nya na sasabihin. Parang si Giselle rin, feeling expert sa pag-ibig dahil sa “been-there, done-that” nyang drama. But kidding aside, maraming salamat sa lahat ceej.. hindi ka nag sawa sa mga kagagahan ko. Konsintedora ka kasi! Hehehe mahal kita gurl!
Sa mga dabarkads kong QAAs and Workforce. Kay Bry, manang, Nyulex, Mhy, Sally (dat girl), Benj, Ton-ton, Bords, Kuya Joie, Baby Jay, Mother Howell, Sir Brands, and Sir Nesty… Saludo ako sanyong lahat! Sobrng hard working nyo guys, sana maaply ko rin yan sa buhay ko at sa trabaho hehehe. I’m so proud that I’m part of this Team! Go Go GO lng tayo parati! Kaya natin to. Marmaing Salamat sanyo!
Sa mga tiga CTI (madami kayo masyado) pero kilala nyo na kung sino sino kayo. Salamat. Di ko na alam kung ano pa dapat kong gawin para maparamdam sanyo kung gaano ako ka-happy at nakilala ko kayong lahat.
Wag kayong mag-alala hindi pa ako magpapaaalam. Umaarte lang ako. Wala kasing pagkain sa Bday ko eh. Sana sapat na to.
Hindi nyo lng alam kung pano ko naramdaman ang halaga ko dahil sanyo.
At sa muli,
Maraming Salamat!
HAPPY BIRTHDAY SAKIN!!!!! c”,)